Dear Diary

diary of sweet memories…

Walls between Friendship

Filed under: diary — Topaz Heart at 5:30 am on Saturday, February 27, 2016
5
Pat!

Dear diary,

I felt a little relieved when I talked  to my friend Jhoana a while ago. Medyo matagal na rin kasi noong huli kaming makapagusap ng masinsinan. Alam naman niya at pansin ko rin, na may gap na sa aming pagkakaibigan. Hindi ko lang maintindihan kung bakit parang nagseselos siya dun sa bago naming katrabaho, na siya ring kasama ko sa division namin. Siguro dahil napansin niya na mas nakakasama ko si Aiko kaysa sa kanya. Minsan nga hindi ko na alam kung saan ilulugar ang sarili ko kasi naiipit ako sa kanilang dalawa. Napalapit na rin kasi ako sa kanila pareho. Ayokong dumating yung point na may pipiliin ako sa kanila.

Nitong mga nakaraang araw kasi sinubukan kong manahimik na lang.. kaya parehas ko na lang silang iniwasan. But it wasn’t a good idea. Mas lalo lang lumala. Parehas lang naman akong nagtatampo sa kanila. Sinubukan ko naman na maparamdam sa kanila na wala akong pinapaboran pero bakit ganun? Ang hirap kasi.

Nakuha ko na ang side ni Aiko, okay na kami. Nang makausap ko naman si Jhoana kanina, medyo naging okay na pakiramdam ko.. kaso parang hindi pa buong-buo. Umaasa na lang ako na darating din yung time na hindi na magkakaroon ng issues between the two of them. Gusto ko na maging magkaibigan din sila.

Time heals all wounds but it will always leave you scars. Sabi nga nila, you can forgive but you can never forget.

Basta! Okay na rin kahit papano. 

 

Till next time!

 

Sincerely,

Topaz Heart



No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

You must be logged in to post a comment.