The Long Distance Relationship
Hi po!, sulat nalang ako now, inaantok ako dito sa office eh, wala yong mga boss ko.
‘Yon nga po, June 22, 2015 umalis ako sa amin, sobrang lungkot pero at the same time excited kasi first time kong pupunta sa City. Naging mahirap din ang sitwasyon namin kasi naging busy ako at naging sensitive  na din cya, di siguro sanay na magkalayo kami. Palagi syang galit at inaaway ako kapag di ako nakapagreply agad sa mga text nya. Pero napag usapan naman namin ng mabuti iyon. Naging ok na kami, focus ako sa kanya at focus din cya sa akin. Noong September 2015, umuwi kaming Bohol together with my two brothers na dito na din sa Manila nakatira. Pinauwi kami ng tita namin galing ibang  bansa para makapag bonding. Sobrang excited ako na makita ang tita ko at the same time ang boyfriend ko. Sobrang excited din sya at sobrang saya nang finally nagkita na kami. We just stayed in the province for about 3 days kaya sinulit namin bawat araw. Kulang na kulang ang aming vacation pero wala naman kaming magawa, Ayy wait, may 1 day extension pala kami, naiwan kami ng airplane pabalik dito sa Maynila. heheeh. Namimiss ko ulit cya kasi di ko pa alam kung kelan ako makakauwi ulit. ;-( . Lungkot ng story ko noh? Mahirap pala talaga ang LDR lalo na at mahal mo sya at marami na kayong nabubuong memories together tapos biglang maglalayo.  :-(
September…October… We’re still happy despite sa sitwasyon namin, nanatili kaming matatag. November first week, nag message sa akin si Josephrey.Naalala nyo sya? Ang unang crush ko? hehehehe .. Nagmessage sya sa akin mga buwan pa ng September pero di ko sya pinansin kasi nadivert na ang focus ko sa boyfriend ko. Nitong November nirereply ko na cya at nanghingi ulit ng phone # , binigyan ko naman. Nagtetext cya sa akin pero di ko nirereply, naging busy ako. Pero nung time na medyo nabored ako sa bahay, nagreply ako sa kanya.. alam ko andito pa sya sa Maynila pero wala naman akong balak makipagkta sa kanya talaga….. Itutuloy…..