Happy with Him <3
Good morning Diary!!! Masaya ang post ko today kasi inlove ako dito eh. heheh
New year’s eve and we’re attending mass. Kasama ko na si Harold nagsimba. Ang saya at ang sarap sa pakiramdam na may nagmamahal sayo ng seryoso. Ilang araw pa lang kami pero nagpunta na sya sa bahay namin para makipagkilala sa parents ko. Tinanggap naman sya agad ng nanay ko pero si papa parang di nagsalita agad pero di pa rin nawalan ng gana  si Harold, palagi nya akong binibisita sa bahay at tuluyan na silang naging close ng nanay ko at iba kong mga kapatid. Kapag kasama ko sya parang ayaw ko nang mag end ang oras, mahal na mahal ko sya at alam kong mahal na mahal nya din ako. April ,nang pinakilala nya ako sa papa nya, wala yong mama nya that time kasi andito sa Manila. Naging close agad kami at magaan din nman sa loob kausap . Masaya ang love story namin ni Harold. Wala kaming pakialam sa mga tao sa paligid namin, sa mga taong involve sa mga nakaraan namin, basta kaming dalawa ay masaya na. Weekend lang kami madalas magkasama kasi sa City cya nag aaral at ako ay sa bayan lang namin, pag uwi nya sa bayan namin at alam nyang may pasok pa ako, hinahatid at sinusundo nya ako sa school. Alagang alaga ako sa boyfriend ko kaya lalo ko syang minahal. Isang text or tawag ko lang na sunduin or puntahan mo ako, darating agad cya. Naging close na cya ng family at ibang relatives ko. Walang araw na nagdaan na di ko cya minahal. Summer vacation of 2015 was the best time for me, nagspent kami ng time na parang wala ng katapusan. Pero nang dumating ang buwan ng June, dun na kami nagsimulang malungkot, aalis na kasi ako at punta na dito sa Maynila kasi may work nang naghihintay. Sobrang lungkot ang araw na iniwan ko sya. As in parang gusto ko cyang sumama sa akin, pero di pa cya tapos sa pag aaral. Nagtiis nalang kami sa Long distance relationship. Kinakaya namin kasi may pangako kami sa isa’t isa at may mga pangarap pa kami.
Ang saya noh? pero medyo malungkot. hehehe.Next na po ulit!!