Chapter 2 : Moving On
Hi po ulit!. itutuloy ko po ang chapter 2 ng love story ko. hehe
Tuluyan ko na pong kinalimutan si Josephrey at nag focus nlang ako sa studies ko at sa iba kong na link na mga guys. Nitong November 2014 po, mai nka chat ako na kababayan ko din pero di kami magkakilala. Nanghingi po cya ng phone # ko at binigyan ko naman kahit di ko cya type. Mula nun, palagi na cyang nagtetext pero minsan lang talaga ako narereply kasi naiinis ako. Palagi cyang nag gogroup message para siguro mapansin ko pero di ko talaga pinatulan. Noong December 24 2014 ng gabi, bored na bored ako sa bahay kahit magpapasko kasi masama pakiramdam ko, timing din na nag group message na nman cya about PBA basketball at team ko ang tinitira nya which is the Genebra, syempre kaylangan kong ipagtanggol ang team ko kaya nagreply ako at inaway ko cya, natawa cya at sobrang tuwa daw nya na nareply ako. Hinamon ko cya na magkikita kami mismo that night kasi nga wla din ako magawa pero nasaktan yong ego ko kasi cya ang umayaw, nasa city daw sya that time, sabi nya next day nalang so that next day i expected was on the 26th . Sumapit ang 26th ng December kaya nag text ako sa kanya na magkikita na kami but nahurt na nman ego ko, may banda daw sila that night so nadissapoint na talaga ako at sabi ko sa sarili ko ” walang isang salita ang lalaking ito” so di na ako nag expect pa sa kanya. Kinabukasan tumawag cya at nagsorry, cyempre pinatawad ko din ,mabait ako eh! hehehe
Halos isang araw kaming nagtatawagan kasi nakita ko na ang positive side nya, marunong syang magpatawa . Tawa lang ako ng tawa while we’re talking.Nag karoon ako ng interest na mameet cya kasi nga nagustuhan ko yong side nyang yon. Nagpasya kami na sa 28th kami magkikita at susunduin nya ako sa bahay namin. Dumating cya kinagabihan ng 28 at na love at first sight ako sa kanya, gwapo pala, nawala na ng tuluyan sa puso’t isip ko si Josephrey.
Dinala nya ako sa tuktok ng bundok dun sa malapit sa kanila. Masaya ako kasi masaya pala syang kasama. Tuluyan na akong nahulog sa kanya. That night nanligaw cya pero alam ko na isang buwan ang nakaraan mula nang maghilaway sila ng girlfriend nya, pero nakita ko kung ganu cya kaseryoso sa akin. Marami nman talaga ang nag bobother sa isip ko that time kasi may nanligaw din sa akin pero parang di cya seryoso, paasa kungbaga kaya pinili ko si Harold, ang lalaking kasama ko that night na alam kong sya na. Mabait sya, masarap kasama at unang lalaki na lumuhod sa harap ko just to get my sweetest YES. Oo, sinagot ko agad cya that night din Dec. 28, 2014. Mahal ko na cya at alam kong seryoso sya. Nakikita ko sa mga mata nya na sincere cya at di nya ako sasaktan. Mas bata sya sa akin ng  1 year and 3 months but it does not matter to me, mahal na mahal ko sya at tanggap ko sya. Matured na sya kung mag isip kaya lalo akong natuwa. Hinatid nya pauwi bago lumalim ang gabi. Sobrang saya ko that time, tanggap kasi nya ako despite sa aking mga perfect imperfections.
Itutuloy……..